Pages

Wednesday, September 20, 2017

Mahihirapan Lang , Pero Hindi Susuko



Ayoko na! I Quit! 


These are the things that come into our mind at ito ay negative thoughts. Kadalasan yan ang nasasabi natin sa sarili kapag nahihirapan na tayo sa mga nangyayari sa buhay. Nag failed ka sa business, failed sa exam, failed sa iyong boss, your parents and even relationship di ba mararamdaman mo ay quitting? 


Napakadaling bitawan ng mga salitang yan lalo na when we feel tremendous pain. Kailangan natin mag relax. 

Maganda makuha natin yung mga pangarap natin ng madali pero that’s not the way life goes. Kung madali e di lahat sana tayo successful.

One factor why we became quitter is when we feel hardship we just stop and we don’t want to continue. Pero let me encourage you today. Kahit sobrang hirap, sobrang sakit na ng nararamdaman mo huwag na huwag kang susuko.

WHY?

-Una para hindi tayo mabuhay sa pagsisisi o regrets. Ayaw kong mabuhay  ka sa “sana”. Sana nagnegosyo ako. Sana sinubukan ko to. Sana pinakasalan ko sya. Sana… May kasabihan tayo na

Laging nasa huli ang pagsisisi”.

Kung dahil lang nahihirapan ka o tinatamad ka lang na makamit ang pangarap mo pagdating ng panahon pagsisisihan mo na hindi ka nagpursige. Mabubuhay ka sa mundo ng “what if”. What if ginawa ko to. Paano kung naging masipag ako? Paano? Kaya ang nangyayari sa atin ay dun na lang tayo sa kung ano at meron tayo.

Para maging successful tayo kailangan natin maintindihan na dadaan at dadaanan talaga ang mga pagsubok, pain, rejections, failures. Ika nga eh

No Pain No Gain”.

-Pangalawa na dapat nating malaman kung bakit hindi tayo dapat sumuko ay failure is part of success.Kung gusto natin talagang magsucceed ay dadaanan natin ang failure. Walang instant sa mundo na isang click successful ka na. Sa mga nagsasabi na ganito ganyan sumali ka yayaman ka, that’s not true. Mahirap mangyari. Pwera na lang kung Manalo ka sa lotto. Ang success ay kailangan pinaghihirapan, ginagawan ng aksyon.

Ang tagumpay ay hindi nangyayari sa isang gabi lang. Halimbawa as an inspiration si Pambangsang kamao. Lahat ng pinagdaanan niya mula sa training, pagod at puyat ay hindi niya sinukuan.

Bawat success story at merong tinatawag na back story or kung sa movie ay behind the scene. At naniniwala ako na tunay yan sa lahat ng successful na tao na nagtitiis ng lahat ng kanilang dinadaan. Para bang dumadaan sila sa butas ng karayom para magtagumpay.  Kaya kung may easy way out is not the best 
decision.

-At finally, bakit hindi ka dapat sumuko ay dinidevelop nito ang pagkatao mo. Kung madali mong nakukuha ang gusto mo nadedevelop mo ang salitang “impatience”. Sa panahon ngayon halos lahat ay mabilis na, magtext, mag send ng email, diba gusto natin mabilis lahat. Hindi na tayo nasanay sa kahirapan. Konting hirap lang umaayaw na tayo. Kaya madaming tao ngayon ay nagsesettle for less. Their mindset is huwag silang mahirapan. At pag nahirapan quit na.

Walang shortcut for success.

Pero kung naiintindihan natin na lahat ng bagay ay may dadaanang proseso, na talagang kailangan pagdaanan yung mga failures, pain and trials na parte ng buhay. At ano ang mangyayari kapag naintindihan natin yan?

 WE will get the best of life!

At kung dumating na ang tagumpay, maa-appreciate natin yung tinatawag na bunga ng pagsisikap. Masarap talaga ang isang bagay lalo na alam mong ito’y iyong pinaghirapan. As a person fulfilling kapag alam mong dugo’t pawis ang pinuhunan mo.

Difficult time brings out the best in you”.

Sana nakatulong ito sa inyo, at kung ano mang ang nangyayari sa buhay mo ngayon, huwag kang magdalawang isip na humingi ng tulong kay God. Because God will never leave you.  

Sa mga problema laging may solusyon. Isa sa solusyon na alam kong makakatulong sayo ay nasa likod ng link na to>>> FinancialFreedomFormula.



Ian Rivero
Online Entrepreneur





No comments:

Post a Comment