Pages

Friday, October 13, 2017

Talong Story

3 Tips Para Hindi Kapusin Sa Pera


Nangyari ito sa isa kong kakilala at kinwento nya sakin ang nangyari sa kanya.

12 years ago nagbabanda sya at madalas silang dumadayo sa mga probinsya para sumali sa battle of the bands. Kadalasan ang premyo nila ay P5,000 kapag nanalo.

One time sumali sila sa isang contest sa Pampanga. Natalo sila. Wala silang maiuuwing pera. Buti na lang at yung tatay ng kaibigan nila ay pinabaunan sila ng dalawang sakong talong at isang plastic ng mangga. 

Pauwi na sila sakay ng bus. Sa bandang likod sila nakaupo at nakatulog sila sa sobrang lamig ng bus. 

Maya maya naalimpungatan yung kaibigan ko dahil may tumatapik sa kanya, yung kunduktor naniningil na ng bayad. Binigyan sila ng tiket at nashock dahil doble ang presyo.

Special pala yung bus na nasakyan nila. Sa isip nya kulang ang pera nya. Binulungan nya yung kasama nya at sinubukang manghiram.Subalit kulang din ang pera ng kasama nya.

Nakatayo ang kunduktor at naghihintay ng bayad nila.

Malamig yung bus pero pinagpapawisan daw sya. Nilakasan nya yung loob nya at sinabing.

      "Boss kulang po yung pera namin. Pwede bang talong na lang ibayad namin?".

Buti at mabait yung kunduktor at pumayag. Nasabi nya sa sarili nya na hindi na ulit mangyayari yun. 

Ngayon thankful sya dahil sa ginagawa nyang business dahil hindi na nya ulit naeexperience yun.

Narito ang tatlong tip para hindi ka kulangin sa pera.

Tip # 1: Control your Money - Dapat alam mo kung saan napupunta ang pera mo. Hindi mo kailangan maging accountant para kwentahin ang income at expenses mo. 

Pag lagi mong tinatanong sa sarili mo na

 "Saan kaya napupunta ang sahod ko?".

Delikado yan! Senyales yan na hindi mo alam kung saan mo dinadala ang kinikita mo.

Tip # 2: It's Not What You Earn, It's What You Save - Kahit malaki kinikita mo sa trabaho o negosyo kung puro naman palabas lahat tapos wala kang naitatabi, wala din!

Always think how you can save some of the money you're earning. Mas ok kung aaralin mo kung paano mapreserve o ma re-invest ang mga kinita mo.

Tip # 3: Increase Your Cashflow - Anong mas ok? Nagdadagdag o nagbabawas ng income? 

Syempre mas maganda yung nagdadagdag. Kung employee ka ngayon, hanap ka ng magiging source ng extra income. Maganda yung paraan na pwede mong gawin ng part time. 

Halimbawa, pwede kang magwork as a freelancer. Kung may other skills ka tulad ng pagsulat ng article, pag edit ng picture, programming etc.

Isa pang paraan ay magkaroon ka ng online business.

Ingat ka lang wag kang papauto sa mga get rich quick programs. Yung mga nag-aalok ng mag invest ka, tapos wala kang gagawin pero tutubo o dodoble ang pera mo.

Gaya nung mga online paluwagan, puro kalokohan yun.

Ang online business na tinutukoy ko ay yung mga business na legit like affiliate marketing, ecommerce, information marketing, etc.

These market are multi billion dollar sales ang nage-generate kada taon. Kaya napakalai talaga ng potential profit sa mga market na to. 

Kung gusto mo ng online business na legit, try mong mag-apply dito sa APS kung makakapasok ka na.


Thank you for reading ;) Please share and comment if you like it.



No comments:

Post a Comment