Pages

Friday, October 13, 2017

Talong Story

3 Tips Para Hindi Kapusin Sa Pera


Nangyari ito sa isa kong kakilala at kinwento nya sakin ang nangyari sa kanya.

12 years ago nagbabanda sya at madalas silang dumadayo sa mga probinsya para sumali sa battle of the bands. Kadalasan ang premyo nila ay P5,000 kapag nanalo.

One time sumali sila sa isang contest sa Pampanga. Natalo sila. Wala silang maiuuwing pera. Buti na lang at yung tatay ng kaibigan nila ay pinabaunan sila ng dalawang sakong talong at isang plastic ng mangga. 

Pauwi na sila sakay ng bus. Sa bandang likod sila nakaupo at nakatulog sila sa sobrang lamig ng bus. 

Maya maya naalimpungatan yung kaibigan ko dahil may tumatapik sa kanya, yung kunduktor naniningil na ng bayad. Binigyan sila ng tiket at nashock dahil doble ang presyo.

Special pala yung bus na nasakyan nila. Sa isip nya kulang ang pera nya. Binulungan nya yung kasama nya at sinubukang manghiram.Subalit kulang din ang pera ng kasama nya.

Nakatayo ang kunduktor at naghihintay ng bayad nila.

Malamig yung bus pero pinagpapawisan daw sya. Nilakasan nya yung loob nya at sinabing.

      "Boss kulang po yung pera namin. Pwede bang talong na lang ibayad namin?".

Buti at mabait yung kunduktor at pumayag. Nasabi nya sa sarili nya na hindi na ulit mangyayari yun. 

Ngayon thankful sya dahil sa ginagawa nyang business dahil hindi na nya ulit naeexperience yun.

Narito ang tatlong tip para hindi ka kulangin sa pera.

Tip # 1: Control your Money - Dapat alam mo kung saan napupunta ang pera mo. Hindi mo kailangan maging accountant para kwentahin ang income at expenses mo. 

Pag lagi mong tinatanong sa sarili mo na

 "Saan kaya napupunta ang sahod ko?".

Delikado yan! Senyales yan na hindi mo alam kung saan mo dinadala ang kinikita mo.

Tip # 2: It's Not What You Earn, It's What You Save - Kahit malaki kinikita mo sa trabaho o negosyo kung puro naman palabas lahat tapos wala kang naitatabi, wala din!

Always think how you can save some of the money you're earning. Mas ok kung aaralin mo kung paano mapreserve o ma re-invest ang mga kinita mo.

Tip # 3: Increase Your Cashflow - Anong mas ok? Nagdadagdag o nagbabawas ng income? 

Syempre mas maganda yung nagdadagdag. Kung employee ka ngayon, hanap ka ng magiging source ng extra income. Maganda yung paraan na pwede mong gawin ng part time. 

Halimbawa, pwede kang magwork as a freelancer. Kung may other skills ka tulad ng pagsulat ng article, pag edit ng picture, programming etc.

Isa pang paraan ay magkaroon ka ng online business.

Ingat ka lang wag kang papauto sa mga get rich quick programs. Yung mga nag-aalok ng mag invest ka, tapos wala kang gagawin pero tutubo o dodoble ang pera mo.

Gaya nung mga online paluwagan, puro kalokohan yun.

Ang online business na tinutukoy ko ay yung mga business na legit like affiliate marketing, ecommerce, information marketing, etc.

These market are multi billion dollar sales ang nage-generate kada taon. Kaya napakalai talaga ng potential profit sa mga market na to. 

Kung gusto mo ng online business na legit, try mong mag-apply dito sa APS kung makakapasok ka na.


Thank you for reading ;) Please share and comment if you like it.



Friday, October 6, 2017

Want To Know If You Can Be A Filipino Millionaire?

"sUccess All Depends On The SECOND LETTER."

"To Get Something You Never Had, You Have To Do Something You Never Did."

If you want to know if you have the qualities to become a Filipino millionaire lets have a little quiz.

Take this Quiz and Find Out Now!




5 things that you should never do when you have money

Money is Not Everything but it SURE means something.

Having money simply means that you can afford to buy what others can, but there's an old saying that

"With great power comes great responsibility."

There is responsibilty in the new found success that You and I have right now.

Watch the video of Mr. Chink Positive to learn the 5 things that you should never do when you have money.


Siguradong Kikita Using This Automated System & Following This 10 Step Training OR The Company Will Pay P5,000 Cash Just For Trying Out!

Watch The FREE Presentation That Will Explain How. >> LEARN MORE

Sunday, October 1, 2017

Ang Magtataho

"Ang Magtataho"
by Ian Rivero

Ikaw ba ay nakakaranas ng struggles sa negosyo mo? Nag iinvite ka ng mga tao na hindi mo alam kung interesado sa inaalok mo. Lagi kang nababangga at binabato ng rejections? 

Kung ikaw to, para sayo tong ibabahagi kong maikling kwento at tiyak na makakapulutan mo ng aral.

Habang akoy nagkakape sa may balkonahe, may narinig akong sumisigaw.

"Taho! Tahoooooooo."

Napatingin ako sa naglalako ng taho at napaisip ako.

Hindi kaya ang hirap ng trabaho nya? Sapat kaya ang kinikita nya? 
Nung mga oras na yon ay pasikat na ang araw. Naisip at naitanong ko sa sarili ko, Pano kung hindi maubos ang tinda nya at abutin sya ng tanghali?

Binalik ko ang tingin ko sa magtataho.. 

"Taho! Tahoooooo!"

Sa pagsigaw nya naglabasan na ang mga tao may kanya kanyang dalang baso. Walang pinipili bata man o matanda. 

Ayun pati ako napabili :) Sarap kaya ng taho.

Naisip ko yung business ko. Kailangan kong gayahin ang magtataho.

Ang magtataho, walang pakialam yan kung bibili ka o hindi. Pero kahit hindi ka bumili nauubos pa rin ang nilalako nya. 

Bakit?

Kasi may mga taong gusto yung inaalok nya. 

Ano ba ginagawa nya? Inalok ka ba nya? Ininvite ka ba nya na bumili ng taho?

Hindi diba? 

Isinisigaw nya lang ang paninda nya. Kumbaga nag aadvertise sya ng produkto nya. At Yung mga interesado mismo ang lalapit sa kanya. Ang importante ay na-INFORM nya ang tao na dumaan sya at may tinda syang taho.

Ganun din sa business mo. Huwag kang mag iinvite. Baka ayaw ng tao ang inaalok mo. Ang gawin mo iadvertise mo ang produkto mo.IINFORM mo ang mga tao. Inform lang ng inform. Ipost mo yan sa facebook. Gawan mo ng video sa Youtube. At kung may interesado lalapit at lalapit sayo yan.

Sa business natin marami ang interesado, minsan naghihintay lang sila na makahanap ng tamang oportunidad. Huwag mong sayangin ang oras mo sa mga negative. Pagdating ng panahon sila na mismo ang lalapit."


Gusto mo ba ng extra income? Kumita ng P1000 up to P11,000? 
Kahit may trabaho ka at kahit limitado ang oras mo matutulungan ka nitong automated system na’to. Just click >> FinancialFreedomFormula.

Once again. Salamat sa pagbabasa. Kung nagustuhan mo like, share and comment :)

Friday, September 29, 2017

Anong pagkakaiba ng Advertising at Inviting

Inviting at Advertising 

by Ian Rivero

Sa ngayong makabagong panahon, marami ang nalilito kung ano nga ba ang pagkakaiba ng advertising at inviting sa internet. Marami ang nagsasabi na pareho lang kasi pag nag-aadvertise ka nag-iinvite ka na rin. Depende ito sa kung anong niche ang pinopromote mo. Sa traditional business may physical products na binibenta at sa internet business ay knowledge, wisdom at learnings. 

Halimbawa information at digital products ang binibenta mo so wala kang product na hahawakan. Wala kang idedeliver, hindi mabubulok. Ito ay downloadble na lang o di naman kaya ay accessible na sa Internet. Samantala meron ding physical products tulad ng mga pampaganda, pampapayat, pampahealthy.

Pero ano nga ba  ang pagkakaiba ng dalawang to?

Sa inviting, hindi ka kikita kung wala kang maiinvite. Halimbawa nag invest ka ng P250 tapos kikita ka ng P20 diba parang lugi ka?

Kung magbu-business ka traditional man o internet business kailangan mo talaga mag invest. Yung ininvest mo yun ang pambili ng mga materyales at mga gagamitin mo sa negosyo mo. 

Ngayon may materyales ka na at kung ano pang mga kailangan sa negosyo tapos huwag mo sya trabahuhin. Huwag ka magbenta at mag-alok. Ano kaya mangyayare sa business mo?

Oo, may items ka nga nakuha sa ininvest mo, Anong gagawin mo sa item? Maiistock lang yan masisira, mabubulok. What's your point at nagnegosyo ka pa? Sumunod ka lang ba sa uso dahil nagnegosyo mga kaibigan mo o mga kakilala mo? Bakit ka nagnegosyo kung hindi mo naman pala sya tatrabahuhin? 

Oo na, nag-invite ka na. Pero walang sumali. Nag-alok ka pero ayaw nila.

Hindi talaga sasali yung mga ininvite mo dahil nag invite ka. Karamihan sa tao ngayon ay play safe na. Hindi tayo basta basta naglalabas ng pera kapag may nag invite sa atin sumali sa ganito ganyan.

Dito papasok ngayon si Advertising.

Advertising lalo na sa Facebook sa pamamagitan ng pagpopost ng mga valuable content. O, baka iniisip nyo pareho lang sila kasi nagpopost ka para may mainvite.

Nagkakamali kayo. 

Hindi invite tawag dun kundi advertising. Pansinin nyo kung nanonood kayo ng TV. Hindi ba madalas commercial ang nakikita natin? Mga kilalang produkto hindi ba? Halimbawa si Tide kung hindi ba sya inadvertise sa TV makikilala o makikita mo na may ganung produkto? 

Ngayon, nakita mo yung ads ng tide. Inutusan ka ba nya na bumili sa tindahan? Hindi diba? Wala sila pakialam kung bumili ka o hindi. Ang importante sa kanila naipakilala nila yung produkto nila. Pero dahil kailangan mo yun diba bumibili ka din.

Ngayon kaya tayo nag-aadvertise o nagpopost sa facebook ay dahil may mga taong kailangan ng offer mo. Huwag kang magiinvite dahil baka maling tao ang na invite mo. Hindi talaga sasali yan hindi nya gusto ang inooffer mo. 

Salamat sa pagbabasa. I hope nakatulong itong article na ito sa inyo.

P.S.

Guys, Good NEWS. Our commUnity, our company launched its new social learning website. Pareho ng Facebook pwede kang makapag add ng friends magpost, maaACCESS mo yung mga trainings at higit sa lahat you'll be surrounded by like-minded people. 

Create your FREE ACCOUNT click this to register>>LearningPlatform


Once again, Thank You. :)


Tuesday, September 26, 2017

Nagulat Siya At Nanghinayang.


Ang Kwento Ng Karpintero


-Ito ay kwento ng isang matandang karpintero at gusto nang magretiro.

Sinabi nya sa amo nya ang plano nyang pagreretiro sa pagkakarpintero dahil gusto na nya makasama ang asawa at kanyang mga anak.

Alam nyang mamimiss nya ang lingguhang sweldo pero gusto na nya talagang magretiro. Wala nang makakapigil sa kanya.

Nanghihinayang ang kanyang amo dahil mawawalan sya ng isang mahusay na empleyado kaya humingi ito ng pabor para gumawa ng isa pang proyekto.

Sumang-ayon ang karpintero at sinimulang ang huling proyekto ng buhay nya.. 

Dahil nga huling proyekto na nya, hindi nya sinapuso at pinaghusayan ang trabaho nya.

-Nagpaalam na sya sa pagtatrabaho ng overtime.

-Hindi nya pinili yung magandang sementong ihahalo sa bahay.

-Hindi nya nilagyan ng swimming pool ang proyekto.

-Hindi sya pumili ng matibay at magandang klaseng kahoy para sa pinto.

-Ang mga kasangkapan ay mababa ang kalidad.

Pagkatapos ng proyekto tinawag ng amo ang karpintero sa kanyang opisina at ibinigay ang susi sa bagong bahay na ginawa nya at sinabing..

"Ito ag regalo ko sayo para sa  kapuri-puri mong serbisyo sa loob ng 15 taon."

Nagulat ang karpintero.

Nanghihinayang sya. Kung alam lang sana nya na kanya pala ang bahay na ginagawa nya, pinaganda sana nya. -

Ganun din sa atin, ginagawa natin ang buhay natin isang araw sa isang pagkakataon. Kadalasan hindi natin pinaghuhusayan ang paggawa. Tapos magugulat na lang tayo at mapapagtanto na tayo din ang titira sa bahay na ating ginawa.

Kung magagawa lang sana ulit. 

Mas pagagandahin at paghuhusayan natin. Pero hindi na tayo maaaring bumalik.

Ikaw ang karpintero at araw-araw nagpupukpok ka ng pako, naghahalo ng semento o kaya nagtatayo ng pundasyon.

May nakapagsabi na,

"Life is a do-it-yourself project."

Ang ugali at desisyon na ginawa mo ngayon, ang tutulong para mapabuti ang kinabukasan mo.

Kaya maging matalino sa pagdedesisyon!


Tulad sa business, kailangan mo din magdesisyon. Kung kinakapos ka pa rin hanggang ngayon panahon na para i-build ang future starting by watching this video presentation
 >> FinancialFreedomFormula

If you like this article, please do like, follow and share my facebook page.


Ian Rivero



Monday, September 25, 2017

OFW's ay Masasama ang Ugali


Karamihan sa mga OFW's ay may katangiang nakakabahala. 


Oo! Tama ang nabasa mo. Gusto ko i share sa inyo ang  article na to base sa experience ko. Sa mga nasa abroad alam nila ang mga katangiang to. Natural na sa amin ito dahil hindi madali ang buhay sa ibang bansa. At sa mga pamilya ng ofw's pakiintindi na lang kami at unawain dahil para sa inyo din ang pinaghihirapan nila.

Narito ang ilan sa mga katangian namin na nakakabahala.

1. Madamot

Oo! madamot kami. Kasi mas inuuna namin ipadala yung pang gastos nyo at pambayad sa utang kesa sa sapatos na hinihiling ni bunso. Madamot dahil mas gusto namin mag-ipon bago mamili ng luho kesa umuwing nganga. 

2. Sinungaling

Oo. sinungaling kami kapag nagtatanong kayo kung ayos lang ba kami? kung kumain na ba? di ba sinasabi natin na ayos lang tayo sa trabaho dahil ayaw nating mag-alala sila kahit dugo na ang pawis na lumalabas satin? Sinungaling kami na sinasabi naming masarap ang ulam namin. Pero ang katotohanan ay nagkakasya na kami sa isang pack ng instant noodles at isang tray ng itlog. Sinungaling kami kapag sinasabi naming masaya kami. sa bawat kaarawan, bawat pasko at bagong taon na wala kami sa tabi ninyo. Saklap bes :)

3. Walang pasensya

Wala kaming pasensya sa mga amo namin kapag nadedelay ang sweldo. Nandyan na yung aawayin pa ang amo dahil alam naming nagugutom sa aming pamilya. Wala na kaming pakialam kung umutang man kami sa mga kasamahan para may maipadala. 

4. Mapagkunwari

Sa mga nabanggit ito ang paborito ko. Mapagkunwari kami na malakas at walang iniinda pagdating sa trabaho. Sa tuwing magkakasakit tayo magkukunwaring ayos lang tayo dahil ayaw nating mabawasan ni isang kusing ay sasahurin. Dahil alam nating budgeted na lahat ng sweldo. Mahirap maghagilap ng mahihiraman kaya kunwari malakas.

Kaya sa mga pamilya nating mga OFW's o kung may kamag anak tayong nasa abroad, pahalagahan ang pinaghihirapan nila. Dahil hindi sila habambuhay magiging masama ang ugali.

Kung OFW ka at nahihirapan kang mag ipon, may tips ako sayo click mo lang tong link na to>> Money Management Tips for OFWs.

At kung hirap ka at hindi nagkakasya ang sweldo mo may alam ako na pwedeng makatulong sayo. Click mo lang ang link na ito>> FinancialFreedomFormula

Sana may napulot kayo sa article na to. kung nagustuhan nyo i-like at ishare nyo para mabasa ng iba :)


Ian Rivero





Saturday, September 23, 2017

Keep Failing and you will succeed

Imagine mo kung si Michael Jordan ay natakot sumablay, di sana sya legend ngayon. Kung si Steve Jobs natakot na di magugustuhan ng tao ang produkto nya di sana walang Iphone.

So ask yourself this. Ikaw ba yung taong matatakot magfail? o ikaw yung taong yayakapin ang tagumpay?

Kung nakakaramdam ka na ng pagsuko sa buhay, sa araw araw na problema, emosyonal o pinansiyal, -chill pause for a minute and watch the message of this video. 


Siguradong Kikita Using This Automated System & Following This 10 Step Training OR The Company Will Pay P5,000 Cash Just For Trying Out!
Watch The FREE Presentation That Will Explain How. >> LEARN MORE




Wednesday, September 20, 2017

Mahihirapan Lang , Pero Hindi Susuko



Ayoko na! I Quit! 


These are the things that come into our mind at ito ay negative thoughts. Kadalasan yan ang nasasabi natin sa sarili kapag nahihirapan na tayo sa mga nangyayari sa buhay. Nag failed ka sa business, failed sa exam, failed sa iyong boss, your parents and even relationship di ba mararamdaman mo ay quitting? 


Napakadaling bitawan ng mga salitang yan lalo na when we feel tremendous pain. Kailangan natin mag relax. 

Maganda makuha natin yung mga pangarap natin ng madali pero that’s not the way life goes. Kung madali e di lahat sana tayo successful.

One factor why we became quitter is when we feel hardship we just stop and we don’t want to continue. Pero let me encourage you today. Kahit sobrang hirap, sobrang sakit na ng nararamdaman mo huwag na huwag kang susuko.

WHY?

-Una para hindi tayo mabuhay sa pagsisisi o regrets. Ayaw kong mabuhay  ka sa “sana”. Sana nagnegosyo ako. Sana sinubukan ko to. Sana pinakasalan ko sya. Sana… May kasabihan tayo na

Laging nasa huli ang pagsisisi”.

Kung dahil lang nahihirapan ka o tinatamad ka lang na makamit ang pangarap mo pagdating ng panahon pagsisisihan mo na hindi ka nagpursige. Mabubuhay ka sa mundo ng “what if”. What if ginawa ko to. Paano kung naging masipag ako? Paano? Kaya ang nangyayari sa atin ay dun na lang tayo sa kung ano at meron tayo.

Para maging successful tayo kailangan natin maintindihan na dadaan at dadaanan talaga ang mga pagsubok, pain, rejections, failures. Ika nga eh

No Pain No Gain”.

-Pangalawa na dapat nating malaman kung bakit hindi tayo dapat sumuko ay failure is part of success.Kung gusto natin talagang magsucceed ay dadaanan natin ang failure. Walang instant sa mundo na isang click successful ka na. Sa mga nagsasabi na ganito ganyan sumali ka yayaman ka, that’s not true. Mahirap mangyari. Pwera na lang kung Manalo ka sa lotto. Ang success ay kailangan pinaghihirapan, ginagawan ng aksyon.

Ang tagumpay ay hindi nangyayari sa isang gabi lang. Halimbawa as an inspiration si Pambangsang kamao. Lahat ng pinagdaanan niya mula sa training, pagod at puyat ay hindi niya sinukuan.

Bawat success story at merong tinatawag na back story or kung sa movie ay behind the scene. At naniniwala ako na tunay yan sa lahat ng successful na tao na nagtitiis ng lahat ng kanilang dinadaan. Para bang dumadaan sila sa butas ng karayom para magtagumpay.  Kaya kung may easy way out is not the best 
decision.

-At finally, bakit hindi ka dapat sumuko ay dinidevelop nito ang pagkatao mo. Kung madali mong nakukuha ang gusto mo nadedevelop mo ang salitang “impatience”. Sa panahon ngayon halos lahat ay mabilis na, magtext, mag send ng email, diba gusto natin mabilis lahat. Hindi na tayo nasanay sa kahirapan. Konting hirap lang umaayaw na tayo. Kaya madaming tao ngayon ay nagsesettle for less. Their mindset is huwag silang mahirapan. At pag nahirapan quit na.

Walang shortcut for success.

Pero kung naiintindihan natin na lahat ng bagay ay may dadaanang proseso, na talagang kailangan pagdaanan yung mga failures, pain and trials na parte ng buhay. At ano ang mangyayari kapag naintindihan natin yan?

 WE will get the best of life!

At kung dumating na ang tagumpay, maa-appreciate natin yung tinatawag na bunga ng pagsisikap. Masarap talaga ang isang bagay lalo na alam mong ito’y iyong pinaghirapan. As a person fulfilling kapag alam mong dugo’t pawis ang pinuhunan mo.

Difficult time brings out the best in you”.

Sana nakatulong ito sa inyo, at kung ano mang ang nangyayari sa buhay mo ngayon, huwag kang magdalawang isip na humingi ng tulong kay God. Because God will never leave you.  

Sa mga problema laging may solusyon. Isa sa solusyon na alam kong makakatulong sayo ay nasa likod ng link na to>>> FinancialFreedomFormula.



Ian Rivero
Online Entrepreneur





Tuesday, September 19, 2017

5 Reason Kung Bakit Mahirap Mag-ipon


Learn how to save and budget your money. 

May napanood akong video ni Chink Positive na talagang makakatulong sa’yo. Nais kong ibahagi ang nalaman at natutunan ko.

Ang mag-ipon ay hindi biro, para ka lang magsasaka na tanim ka ng tamin, trabaho tayo ng trabaho then pagdating ng anihan at swelo ay ubos na. Sa hirap ng buhay ngayon parang ang hirap hirap talagang mag ipon. Tumataas ang mga bilihin pero ang sweldo mabagal dumagdag. Walang natitira at simot ang lahat sa sweldo natin.

Oo, aminin natin na mahirap mag-ipon pero may kasabihang

“If there’s a will, there’s a way.”

Napakaraming dahilan kung bakit ang tao ay hindi makapag-ipon at isa sa mga yon ay

1.Marami akong gastusin

Kung marami kang gastusin simple lang ang solusyon. Bawasan ang gastusin. Gumawa ng listahan ng mga priority, alamin mo ang mga needs versus wants. Ano ba talaga ang kailangan mong pagkagastusan? Stick only sa mga priorities mo. Minsan kasi natetempt tayo na gumastos at bumili ng mga bagay na hindi naman kailangan. Halimbawa pagbili ng mga kape sa mga coffee shops na ang mamahal. Buying things na hindi naman talaga kailangan pero gusto mo lang.

2. Hindi sanay mag-ipon

Mahirap talaga kung hindi mo habit ang isang ginagawa mo. Halimbawa, Kung lagi kang nagpupuyat mahihirapan ka talagang gumising ng maaga. So in order to wake up early, matulog ka ng maaga. Napakahalaga ng pagdevelop ng ano? SAVING! Saving is a habit pero para magawa mo yon kailangan may DISIPLINA din. Mahirap talaga sa umpisa pero sa kalaunan pagnakasanayan mo na dumadali na.

3.Kulang ang sweldo o kita

Reality is you cannot control your income. Kapag sinabing di mo makokontrol ang income mo, ay tulad ng boss mo, hindi mo pwedeng diktahan kung kelan ka niya tataasan ng sweldo. Hindi mo pwedeng sabihin na “kailangan ko ng ganitong income ibigay mo sakin.” Di mo nga makokotrol yung income mo pero sigurado makokontrol ang paggastos. Kapag hindi ka gumastos ay nakakatipid ka.

“Money not spent is money earn.”

Kaya much better na kontrolin mo na lang yung controllable which is YOURSELF.

4.Lubog sa Utang.

Mahirap nga naman mag ipon kung ikaw ay lubog sa utang, sangkatutak ang iyong utang. Ang solusyon dito ay huwag kang mangutang para mabayaran yung dati mong utang.

Stop borrowing money and find another opportunity para madagdagan yung income mo at kapag nadagdagan na yung income mo kailangan ipambayad natin sa utang.

5. Walang Budget.

Naniniwala ako sa idea na yan. Para magkaroon ka ng budget, kailangan mo matutong mag budget. Kailangan mo magsave ng pera, kailangan ilista yung gastusin. Alam mo dapat yung mga priorities mo in terms of spending.

If you don’t budget your money,

“Money will control you instead of controlling money.”

Ito ang reason kung bakit I encourage you if you want to have control of your financial life, learn how to budget.

Kung naghahanap ka ng extra income meron akong alam para makatulong sa’yo.
Click mo lang ang link na to para malaman mo kung paano ka matutulungan ng aming system>>>FinancialFreedomFormula

Ian Rivero
Online Entrepreneur


Monday, September 18, 2017

Huwag mag-abroad kung hindi mo to alam!


Money management tips for OFW's!



Are you struggling to your daily job?

Nasasagi ba sa isip mo na kailangan mo mag abroad para kumita ng mas malaki? Meron akong nabasang tips na pwedeng makatulong sayo.


From today you should manage all your earnings, and be one step closer to financial freedom.

So natupad mo na ang pangarap mo mag-abroad. Nakalipad ka na sa bansang inapply-an mo. Naibibigay mo na ang mga kailangan ng pamilya at satisfied ka na sa tinatahak mong career. 

Pero sapat na ba yun?

Bukod sa pagpapadala mo ng pera sa pang araw-araw nila.. May importanteng dapat ay pinaglalaanan ka, yun ay mag save para sa future nyo. Napakahalaga ng pag-iipon ng mga OFW’s dahil temporary lamang ang kontrata, it only last for 2 to 5 years. Bukod sa middle east na pwede ka abutin ng ilang taon basta kaya mo pa magtrabaho o di naman kaya ay gusto ka pa ng employer mo.

Ideally, ang pagseset ng financial goal ay kailangang gawin o malaman ng OFW bago siya mangibang bansa. Sa mga nasa abroad na naman ay hindi pa huli ang lahat para magsimula. Ito ang mga simpleng guide na makakatulong sayo malaman ang iyong financial goal.


-Umpisahan mo sa pagseset ng realistic goal-

Ilista ang mga nais mong ma-accomplish pagkatapos ng kontrata mo. Isulat mo sila sa kung saan lagi mo silang makikita para maalala mo kung bakit at ano purpose ng pangingibang bansa mo. Halimbawa ng mga goals na pwede mong I set ay eksaktong amount ng perang gusto mong maipon, property na gusto makuha, capital para sa business na gusto mo simulan at iba pa. Siguraduhin mong ang goals mo ay realistic batay sa sahod at sa gastusin sa bansang napuntahan mo.


-Ipaalam mo sa family mo ang iyong financial goals-

Hindi madaling ma-accomplish ang goals mo kung walang suporta at encouragement galing sa pamilya at love ones. Isali mo sila sa goals mo para magawa mo to. Tanungin mo opinion nila sa binabalak mo at ano maitutulong nila para maisakatuparan to. Pwede nyo i-discuss ang gastusin para alam mo kung magkano ipapadala every month.


-I-set ang budget mo and stick to it-

Mahalaga ang pagseset ng budget, pero ang tunay na challenge is kung matutupad mo kaya ang nakalaang amount lang ang gagastusin mo. Para magawa ito, itabi mo na ang para sa saving every payday, at gawin mo to pagkatanggap na pagkatanggap mo ng sweldo. Ang ideal ay save mo yung 20% ng income mo, then maglaan ka ng budget para sa gastusin mo kada buwan at mahigpit mong itong sundin.


-Huwag masyado gumastos-

Ang susi sa pag iipon ay pagtitipid.  Pero hindi ibig sabihin na nagtitipid ka ay kailangan mo nang bitawan yung mga basic needs mo o di naman kaya pagkakaitan mo na ang sarili mo ng luho. Kailangan mo lang talaga malaman yung mga needs mo para mamuhay sa naaayon.

Ang pagkamit ng goals ay hindi ganun kasimple na parang namamasyal ka lang. Pero soon matatamasa mo din yung pinaghirapan at pinagpaguran mo. Mag-ipon at ihanda ang sarili sa oras na mag for good ka na sa pinas. Magkaroon ka ng fallback plan sa pamamagitan ng pag-iipon at pag-iinvest ng perang kinita mo sa pagtapos ng kontrata. Sa ngayon hindi pa man yan ang priority mo, pero ang pag iipon ay ang kasiguraduhan na sa pagreretiro mo ay magiging financially free ka, at isa ito sa pinakamagandang regalo sa sarili at pamilya mo.


I hope guys nakatulong tong article na to sa inyo. Habang nasa abroad ka mag invest ka. Meron akong alam na pwedeng makatulong sa’yo. 

Click mo lang to>>> FinancialFreedomFormula.




Ian Rivero
Online Entrepreneur






Sunday, September 17, 2017

5 LOGICAL STEPS TO ACHIEVE SUCCESS



May nabasa akong article tungkol sa limang logical na paraan para makamit ang minimithing tagumpay.
Gusto kong ishare sa inyo ang aking bagong natutunan sana makatulong din sa inyo mabago ang ating mga personality.
1.     
       Pumili ng negosyo o proyekto na ukol sa’yong talent o strength.

Importante itong step na to. Huwag kang magkakamali dito. Sa mga pagkakataon, ang mga mahuhusay na tao ay mas pinipili yung mga paraan na mahirap magkatotoo.

Halimbawa.. paghahanap sa dyaryo para subukang makahanap ng right company para mapagtrabahuhan  o kaya naman tamang daan para tahakin..

Isa itong kahibangan! Hindi ganito ang pagpili ng future.

Hindi mo mapipili kung saan ka papunta sa future o pagpili ng tamang company sa isang tingin lang sa dyaryo. Kailangan mong malaman ang talento mo o kung san ka magaling. Ano ba sinasabi ng loob mo? Na kailangan mo ng matinding research o higit pa sa paghahanap, o kaya naman susunod ka na lng sa mga nauuso kasi mukhang masarap pakinggan.

Sa panahon ngayon meron ng market para sa kahit na ano. May mga taong willing bumili ng kahit anong posibleng binebenta mo. Maging logical sa pagpili sa buhay. Imaginin mo 10 years mula ngayon, magiging masaya ka kaya, motivated, o nasasarapan sa kung ano man pinagkakaabalahan mo? Saan mo nakikita ang sarili mo? Napapaligiran ba ng marketing team o sa ilog namimitas ng kangkong?. Nasa sa’yo na yun para alamin.

Gaano man kaliit na bagay ang ginagawa mo ipagpatuloy mo.

Narinig mo na siguro na ang paggiging entrepreneur ay napakakomplikado.

May good news ako sa’yo, hindi to totoo.

Kung passionate ka sa ginagawa mo, sa negosyo at ideas na binubuo mo, isa ka nang ganap na entrepreneur. Ganun ka simple.

Sa unang taon mo sa negosyo ay talagang magiging mahirap kaya sinasabi ko na gamitan mo ng logic ang paparating na pahanon na yun. Magiging madali para sa’yo ang bawat desisyon dahil meron kang logical strategy na tumutulak sa mga ideas mo paabante.

 Maraming tao ang susubok na i discourage ka sa unang taon mo sa negosyo o sa bago mong project.

Huwag mo silang pakinggan.

Yung mga taong yun ay hindi nandyan para imotivate ka o tulungan ka sa negosyo. Trabaho mo yun. Isipin mo yung mga pinagsisilbihan mong mga customers at clients. At tandaan tapusin mo ang mga maliliit na bagay na yan kasi yung maliit na steps na yan ay maganda ang kahihinatnan.

The more you do, the more you’ll get.


Gawin ang negosyo ng higit sa pagkatao mo.

Bakit ka mag aabala na magtayo ng negosyo na nagbibigay ng pera kung hindi ka naman masaya?

Sa huli aalingaw-ngaw lang ito sa day to day business mo, kaya dapat ang pinili mong choice ay strongly tied sa pagkatao at pag iisip para sumalamin sa paglalakbay mo sa iyong business adventure.
Marami na ang naisulat na mga bagay tungkol sa kasiyahan, at kung paano ang pera ay mas hindi ka napapasaya.. Totoo ito bagaman mas pinapadali nito ang mga bagay.

Kung di ka napapasaya ng pera, eh ano?

Benta! Kung entrepreneur ka, alam mo na ang benta ang magpapasaya sa’yo.

Subukan mong alalahanin yung pinakaunang benta mo..yung isang baso ng taho sa naglalako, yung isang apa ng dirty ice cream kay sa subdivision nyo.
Isipin mo yung unang pinakamalaking benta mo sa company mo.. yung pinaglalaanan mo talaga ng oras at pawis.. naalala mob a yung pakiramdam na yun? Walang katumbas ang ganyan pakiramdam.

Ano man ang desisyon na ginagawa mo sa negosyo mo, make sure you can keep happy and keep selling.


Maging intolerant sa pangkaraniwang tao

This is a must!
Kung ikaw ay magiging successful, kailangan tignan maigi ang sarili mo sa salamin.
Kailangan mong simulan gumawa ng tamang bagay upang magbago mula sa empleyado tungo sa pagiging fulltime entrepreneur. Ibig sabihin ay need mong tignan ang bawat desisyon sa buhay. Halimbawa may nagpunt sa bahay mo at nag aalok ng life insurance. Pano kung di sila organize at di maganda ang asal. Pagkakatiwalaan mo ba sila? Bibili ka kaya ng inaalok nila? Tingin ko hindi!

Importante ang bawat detalye. Kailangan mangibabaw  ka sa bawat okasyon. Kung ibig sabihin nito ay nangangailangan kang magdamit o being on time. Wala sila sa agenda mo.

Mas mabuting iwasan mo na agad sila sa simula pa lang. ikaw ang magseset ng pamantayan sa mga empleyado mo, tumayo ng role ng isang leader. Sila din dapat. Sa pag-unlad ng negosyo mo, itong standard of excellence ay mas magiging important. Excellence starts with you.


 I-manage, Palakihin at Kumita mula sa pagiging creative

Isa sa biggest challenges para sa entrepreneur ay creativity. Oo , Sales, cash flow ay maaari din maging challenges. Pero kung creative ka malalagpasan mo kahit ano pa man.

You have to be creative if you want to get your share of the factor. Dito manggagaling ang mga ideas at kung paano ka makakapag-generate ng leads, clients at sales.

Maraming business owners na iniisip na ang pagkopya sa iba ay ang paraan para mabuo ang business. Ang mga customers at clients ngayon ay di naghahanap ng copycats. Naghahanap sila ng makabagong ideas at mga advantages na lumalabas sa competition. Don’t be everyone else. Be creative. Be innovative.

Paano mo palalawakin ang creativity?

Maglaan ka ng oras para maging creative. It will take some time para malaman mo na ang creative being ay IKAW. Pero itong bagay na to ay maaaring pag aralan at madevelop.

Creativity ang magiging susi mo para sa mga bagong ideya, para sa magandang samahan sa mga staff at sa mga bagong opportunity sa business mo. Ito rin ang makakatulong magdictate sa future kung mamamaster mo ang logical approach to creativity at madevelop mo sa business mo.

Thank you for reading. sana makatulong to sa inyo

Kung naghahanap ka ng business na pwede mong iapply ang mga natutunan mo dito,
Just click the this >>> Success Protocol

Ian Rivero
Online Entrepreneur  





Saturday, September 16, 2017

Stop wasting time!

Oras ang isang mahalagang kalakal sa mundo kaya itigil na ang pagpapaliban at simulan gamitin ang iyong oras sa makabuluhan. Napakagandang motivation ito para magising tayo kapag nakakaramdam tayo ng pagsuko. Siguradong Kikita Using This Automated System & Following This 10 Step Training OR The Company Will Pay P5,000 Cash Just For Trying Out! Watch The FREE Presentation...STEP 1: Simply click the
"START LEARNING NOW" to get access.